| Balitang Tagalog sa Japan ( @ 2004-06-05 05:55:00 |
Batang babae sa Sasebo Nagasaki Japan, Nakapatay ng kaklase
Humingi ng tawad ang 11-taong-gulang na batang babaeng nakapatay sa kanyang kaklase sa Okubo Elementary School noong Hunyo 1 sa pamilya ng biktima at sa kanyang sariling magulang.
Sinabi ng bata, na itinatago angpagkakakilanlan dahil isa pa siyang minor de edad, sa kanyang mga abugado sa isang closed-door meeting noong Hunyo 3 na pinatay niya ang 12 taong gulang na si S, Mitarai dahil nagsulat umano ito ng mga nakakainsultong mensahe ukol sa kanya sa isang Internet, Bulletin Board System.
Nang tanungin kung may pinagsabihan ito tungkol sa kanyang problema kaugnay ng mga mensaheng lumabas sa Internet, sinabi ng bata na nagdusa siya at nag-isip nang mag-isa.
Ayon pa sa bata, hindi niya alam kung bakit niya nagawa ang krimen, at kung nakapag-isip-isip lamang siya ay baka hindi ito nangyari.
Ayon sa salaysay ng bata, nagsimula silang magpalitan ng mga mensahe sa Internet ng biktima at ng isa pang kaklase bandang Abril, humigit kumulang isang buwan matapos nilang simulan ang pagsusulat sa isang diary na pinaghahati-hatian ng apat hanggang limang bata.
Nagsimula lamang umano ang maaanghang na palitan ng salita sa pagitan ng biktima at ng salarin bandang kalagitnaan ng Mayo.
Hindi umano hihilingin ng mga abugado na dumaan sa psychiatric testing ang bata, dahil mukha namang normal ito.
Ayon sa isang imbestigador, pinagplanuhan umano ng bata ang pag-atake ilang araw bago ito naganap.
Hiniling umano ng salarin na itigil na ng biktima ang pagsusulat nito ng mga mensahe tungkol sa kanyang hitsura sa Internet, ngunit ipinagpatuloy pa rin ito ilang araw bago ang krimen.
Pumunta ang mga abugado para makipag-usap sa bata matapos ipadala ng child consultation office sa Sasebo ang kanyang kaso sa Nagasaki Family Court noong Mayo 2.
Ang family court na ito ang magpapasya kung kailangang dumaan ng bata sa isang juvenile trial, matapos imbestigahan ang lahat ng aspeto ng insidente.