Balitang Tagalog sa Japan ([info]bisoy) wrote,
@ 2005-09-09 22:14:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend!  Next Entry
TYPHOON NO. 14

27 KATAO, NAMATAY O NAWAWALA SANHI NG TYPHOON NO. 14

 Hindi bababa sa 18 katao ang nakumpirmang patay at 9 ang nawawala noong gabi ng Setyembre 7 matapos tumama ang Typhoon No. 14 sa rehiyon ng Kyushu.

 Nasira nito ang tala ng pinakamalakas na bagyo at nagdulot ng malakas na pagbuhos ng ulan at ihip ng hangin.

 Ayon sa Japan Meteorological Agency, ataya ng ahensiya na aabot sa 250 milimetro ang buhos ng ulan sa Hokkaido at 200 milimetro naman sa rehiyon ng Tohoku.

 Ayon sa ahensiya, noong alas-6 ng gabi ng Setyembre 7, nagtala ang bagyo ng barometric pressure na 985 hectopascals at hangin na may bilis na 90 kph malapit sa sentro.

 Ang mga pagkamatay na dulot ng bagyo ay iniulat sa mga prepektura ng Kagoshima, Miyazaki at Tokushima at ang mga nawawala naman ay huling nakita sa Miyazaki, Oita at Yamaguchi Prefecture.

 Noong umaga ng Setyembre 7, nanumbalik ang operasyon ng halos lahat ng biyahe ng tren na naantala sanhi ng bagyo ngunit ang mga biyahe ng eroplano ay patuloy na naabala dahil sa pagkansela ng ilang biyahe mula sa mga paliparan sa mga rehiyon ng Kyushu, Chugoku at Tohoku.

 Samantala, sinabi ng mga opisyal na ang ika-15 bagyo ay namataan na sa silangang bahagi ng Pilipinas.




Create an Account
Forgot your login or password?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…