| Balitang Tagalog sa Japan ( @ 2005-09-05 00:11:00 |
OPISYAL NA SASAKYAN NG EMPERADOR AT EMPERATRIS, PAPALITAN NG TOYOTA
Ang koleksiyon ng magagarang sasakyan na ginagamit ng emperador at emperatris ay madadagdagan ng isang modelo mula sa Toyota Motor Corp. sa piskal na taong 2006 habang ang mga limousine mula sa Nissan Motor Co. na kasalukuyang ginagamit ay unti-unti nang pagpapahingahin.
Humiling ng pondo ang Imperial Household Agency para mapalitan ng Toyota Century Royal ang 1 sa 5 sasakyan ng emperador at emperatris sa susunod na piskal na taon.
Papalitan ang Nissan Prince Royal limousine pagkatapos ng 38 pagseserbisyo dahil na rin sa kahilingan ng Nissan na itigil na ang paggamit dito dahil mahirap na umanong panatilihin ang may kalumaan nang modelo ng sasakyan.
Ang 4 pang natitirang Prince Royal ay papalitan sa loob ng susunod na 3 hanggang 5 taon.
Ang Toyota Century Royal na may 5 litrong makina at bigat na 2,900 kilo ay nagkakahalaga ng 52.5 milyong yen.
Bukod sa mahina itong magbuga ng usok, maikukumpara ang laki nito sa Prince Royal at makakapaglulan ng 8 katao.