| Balitang Tagalog sa Japan ( @ 2005-02-18 07:02:00 |
TSUNAMI
25 HAPONES NA BIKTIMA NG TSUNAMI, HINDI PA NAHAHANAP
Ayon sa Foreign Ministry noong Pebrero 2, sa kabuuang 3331 Hapones na hinanap ng kanilang mga pamilya sa mga lugar na nasalanta ng nakaraang tsunami sa Asya, nasa 25 katao pa ang hindi pa nahahanap.
Noong Enero 25,29 na Hapones ang hindi pa nahahanap ngunit matapos nito, 4 ang nakumpirmang ligtas.
Sa 25 kataong hindi pa nakukumpirma, mahigit sa 15 ang nagpunta sa Phuket, Thailand at mga nasa 2 o 3 katao ang nagpunta sa Sri Lanka.
Ang natitira ay nagpunta sa ibang lugar sa Thailand, India o iba pang lugar.
Ang mga kumpirmadong nasawing Hapones sa nasabing tsunami ay nasa 25 katao.