| Balitang Tagalog sa Japan ( @ 2004-10-30 07:00:00 |
2 TAONG GULANG NA BATANG LALAKI, NAILIGTAS MULA SA NABAONG KOTSE
Isang 2 taong batang lalaki ang nailigtas noong Oktubre 27 mula sa isang kotseng nabaon sa Niigata Prefecture sanhi ng landslide dahil sa lindol noong Oktubre 23, 4 na araw matapos itong maiulat na nawawala kasama ng kanyang ina at kapatid.
Nailigtas si Yuta Minagawa at dinala sa isang ospital pagkatapos. Ngunit ang kanyang nanay na si Takako at ang kanyang nakatatandang kapatid na babae na si Mayu na nailabas rin mula sa nabaong kotse ay sinawing palad na makaligtas.
Iniulat na nawawala ang 2 bata at ang kanilang ina nang mabaon ang kanilang kotse sa isang landslide sa siyudad ng Nagaoka.
Ang kanilang kotse ay natagpuan noong Oktubre 26 sa lugar na pinangyarihan ng landslide.
Ang rescue operations ay isinagawa sa kabila ng malakas na aftershock at sunod-sunod na mahihinang lindol noong Oktubre 27.
Ang rescue operation, na isinagawa ng mga opisyal ng Niigata kasama ng pulisya, bumbero at tropa ng Self-Defense Forces, ay ipinalabas sa telebisyon sa buong bansa.