Home

February 2nd, 2006

08:47 pm
LINDOL

2,700 KATAO, MAAARING MAMATAY SA LINDOL SA JAPAN TRENCH

 Itinaya ng isang panel ng pamahalaaan na binubuo ng mga seismologists naaabot sa 2,700 katao ang maaaring mamatay sakaling magkaroon ng lindolmula sa Pacific coast sa hilagang-silangang Japan at maaari itong makapagsimula ng isang tsunaming makakapinsala katulad ng pamiminsalangginawa ng 2004 Indian Ocean tsunami.

 Nakatuon ang pagtataya sa pinakamalalang maaaring mangyari sa Japan at Chishima trenches sa PacificOcean na umaabot mula sa Chiba Prefecture hanggang Hokkaido.

 Ibinase ngpanel, na nasa ilalim ng Central Disaster Management Council ng pamahalaan, ang kanilang pagtataya sa walong pangyayaring kinabibilangan ng iba't-ibanglokasyon, panahon, oras at bilis ng hangin.

 Itinatayang pinakamaramiang mamamatay kung ang Pacific Plate ay mapailalim sa North American Plateat magkakaroon ng pagyanig na may lakas na 8.6 magnitude sa tabing dagatng rehiyon ng Sanriku sa ganap na alas singko ng umaga sa panahon ngtaglamig.

 Ayon sa report ng panel, hindi magbubunga ng malawakang pagyanigang lindol sa naturang sitwasyon, ngunit maaari itong maging sanhi ng tsunami na aabot sa Pasipikong baybayin ng Japan sa loob lamang ng 30 minuto.

 Itinaya ng grupong aabot ang taas ng alon ng hanggang 22 metro pagdatingsa pampang.

 Pinakamarami umanong bilang ng pagkamatay ang 2,700, ngunitsinabi ng panel na ang tsunami ay makakapinsala rin ng may 9,400 na bahayat gusali at makakawasak ng buong fishing villages sa ilang lugar.