Home

September 25th, 2005

08:39 am
ACHI WORLD EXPO 2005

PHILIPPINE DAY SA ACHI EXPO 2005, NAGING MATAGUMPAY

 Ipinagdiwang ang Philippine Day sa Aichi World Expo 2005 sa loob ng apat na araw mula Setyembre 19 hanggang 22.

 Ipinamalas sa pamamagitan ng mga kanta, sayaw at tugtugan ang mayaman, makulay at samu't-saring tradisyon ng Pilipinas.

 Nagkaroon ng gala performance noong Setyembre 20 sa Expo Dome na may kapasidad na 3000 katao.

 Ayon kay Tourism Secretary Joseph Ace H. Durano, na siyang namuno sa delegasyon ng Pilipinas sa Aichi, ang mga pagtatanghal na sinalihan ng may 160 talento mula sa buong Pilipinas ay sadyang ginawa para sa Expo buhat sa Cultural Center of the Philippines sa ng direksiyon ni Monino Duque.

 Kabilang sa mga nagpakitang gilas ang mga bokalistang sina Johnson Uy at Rachelle Gerodias, Ballet Philippines, Philippine Philharmonic Chamber Orchestra, Sining Kumintang ng Batangas, Streetboys, Tanghalang Pilipino, at Yag-yag Festival Dancers mula Negros Oriental.

 Bahagi ng delegasyon ng Pilipinas sina Philippine Ambassador to Japan Domingo Siazon at Philippine Commissioner General for World Expo 2005 at Team Japan Head Rosvi C. Gaetos ng Department of Tourism.

 Bilang kinatawan ng Philippine Airlines, isang major sponsor ng World Expo, dumalo sina PAL President Jaime J. Bautista at PAL East Asia Regional Head Genaro Velasquez.

 Mainit na tinanggap nina Chairman Shoichiro Toyoda ng Japan Association for the World Expo 2005 at World Expo Commissioner General and Ambassador Taizo Watanabe ang deligasyon.

 Pinaunlakan rin ng gobernador ng Aichi at Mayor ng Nakano sa Toyokawa City ang okasyon.

 Umaasa si Durano na dahil sa matagumpay na partisipasyon ng Pilipinas sa Expo mas darami pa ang mga Hapong bibisita sa Pilipinas.