| Balitang Tagalog sa Japan ( @ 2004-08-28 21:15:00 |
PAGBABAGO NG BATAS SA JAPAN PARA SA MGA BATANG KRIMINAL
Sa pagnanais nitong maging mas mahigpit sa mga batang kriminal, pinaplano ng Justice Ministry na baguhin ang batas upang ang mga menor de edad na 14 taong gulang pababa ay maipapadala sa mga reformatory kaysa ilagay lamang ang mga ito sa protective custody.
Dahil sa mga pagbabagong ito, magiging mas malaya din ang pulisya sa pagsasagawa ng mga imbestigasyon.
Sa kasalukuyan, sa prinsipyo, ang mga menor de edad na 14 taong gulang pataas lamang ang maaaring ipadala sa mga reformatory.
Isusumite ng nasabing ministro ang mga pagbabago sa Setyembre sa Legislative Council, isang advisory panel sa Justice Minister.
Kapag naaprubahan ito ng Council, isusumite ang mga pagbabago sa susunod na ordinary Diet session na inaasahang magsisimula sa Enero.
Sa kasalukuyang batas, hindi pinapayagan ang pulisya na samsamin ang ebidensiya, maghanap ng ebidensiya, siyasatin ang mga lugar kung saan naganap ang mga insidente at humingi ng opinyon sa mga eksperto ukol sa posibleng ebidensiya.
Nilalayon ng mga pagbabago sa batas na tanggalin ang mga pagbabawal na ito at makapaglalayon sa mga pulis na hawakan ang mga kaso nang mas mabilis at mas epektibo.