| Balitang Tagalog sa Japan ( @ 2007-01-11 03:27:00 |
US AIR FORCE MAGTATALAGA NG F-22s SA KADENA AIR BASE

Pansamantalang magtatalaga ang US Air Force ng 12 most advanced F-22 fighter jets sa US Kadena Air Base sa Okinawa sa susunod na buwan.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magtatalaga ng mga F-22 fighters sa labas ng U.S., na kayang iwasan ang radar at makakaatake ng ground targets na may precision-guided bombs.
Nagsimula ang operasyon ng mga nasabing eroplano noong isang taon lamang.
Isang grupo ng 12 eroplano mula sa air base sa Virginia ang ipoposisyon sa Kadena sa loob ng ilang buwan mula Pebrero.