Balitang Tagalog sa Japan ([info]bisoy) wrote,
@ 2006-11-23 22:54:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend!  Next Entry
RABIES NA NAMAN

LALAKING TAGA-YOKOHAMA NA NAKAGAT NG ASO SA PILIPINAS NAKAKUHA NG RABIES

Nasa seryosong kalagayan ngayon ang isang lalaking taga-Yokohama matapos makakuha ng rabies dahil sa kagat ng aso sa Pilipinas, ito’y ayon sa Ministry of Helath, Labor ang Welfare noong Miyerkules.

Ito na ang pangalawang kaso ng rabies na nadiskubre sa Japan sa loob lamang ng ilang araw. Wala pang napapaulat na kaso ng rabies sa Japan sa loob ng 36 taon.

Agad namang kumilos ang mga opisyal ng Health Ministry sa muling pagsulpot ng nasabing sakit sa pamamagitan ng paggawa ng mga posters na nagbababala hinggil sa panganib ng rabies. Palno ng ministry na ilagay ang posters sa mga lugar gaya ng paliparan at quarantine centers.

Ayon sa ministry ang pinakahuling kaso kung saan dawit ang isang lalaki na nasa edad 60 na nakatira sa Pilipinas at pansamantalang bumalik sa Yokohama ay nakagat sa kamay ng aso sa Pilipinas noong Agosto.



Create an Account
Forgot your login?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…