| Balitang Tagalog sa Japan ( @ 2006-11-23 09:02:00 |
ABDUCTION DOCUMENTARY IPINALABAS SA WASHINGTON D.C.
Pinanood ng mga opisyal ng gobyerno ng Amerika at miyembro ng kongreso ang isang prize-winning na dokumentaryo hinggil sa pagdukot ng North Korea ng Hapon na si Megumi Yokota bilang tanda ng pagbubukas ng pelikula sa kabisera ng U.S.
Ang pelikulang, Abduction: The Megumi Yokota Story ay nagpapakita sa 30 taong paghahanap ng mga magulang nito upang maibalik ang kanilang anak na babae.
Si Megumi ay dinukot noong 1977 sa edad na 13. Sinabi ng North Korea na patay na ito ngunit hindi naniniwala ang Japan.
Sinabi ni Japanese Ambassador Ryozo Kato na umaasa siyang ang pag-papalabas sa Washington ay magpapalalim ng kaalaman ng mga miyembro ng gobyerno ng Amerika at kongreso hinggil sa isyu.
映画 『めぐみ-引き裂かれた家族の30年』 公式サイト
http://en.wikipedia.org/wiki/Abduction:_
http://www.youtube.com/watch?v=8oJL6_cu_