Balitang Tagalog sa Japan ([info]bisoy) wrote,
@ 2006-11-22 19:50:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend!  Next Entry
NAGKA-RABIES

HAPON KINAGAT NG ASO SA PINAS, NAGKA-RABIES

Isang lalaking Hapon ang nasa malubhang kalagayan pagkatapos nitong makagat ng isang asong may rabies sa Pilipinas.

Ito ang kauna-unahang insidenteng nangyari sa Japan mula noong 1970 nang magbabala ang Japan sa mga mamamayan nito na mag-ingat sa mga rehiyon kung saan ang sakit na ito ay laganap.

Ayon sa Japan health ministry, isang lalaking nasa edad 60, naninirahan sa Kyoto, kanluran ng Japan, ay nakagat ng aso sa Pilipinas noong huling bahagi ng Agosto.  Nakabalik na ang naturang lalaki sa Japan.

Nitong unang linggo ng buwan, sinabi ng lalaki na nakakaramdam siya ng mga sintomas kagaya ng dehydration at hallucinations, at natuklasan ng National Institute of Infectious Diseases ng Japan na siya ay may rabies. Ang naturang lalaki ay walang malay sa ngayon.



Create an Account
Forgot your login?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…