| Balitang Tagalog sa Japan ( @ 2006-11-13 19:51:00 |
PLAYSTATION 3 MABIBILI NA SA JAPAN
Nagsimula nang ibenta ng Sony Computer Entertainment noong Sabado ang kanilang pinakahihintay na Playstation 3 sa Japan na pinilahan ng ilang oras ng libo-libong mamimili sa Tokyo.
Ilulunsad naman ang PS3 sa Amerika ngayong Biyernes at sa Europa sa Marso. Kabilang sa mga features ng PS3 ay ang mas magandang graphics at tunog, mayroon din itong DVD player kung saan pwedeng manood ng pelikula, built-in bluetooth at wi-fi internet capability.
Ang bagong console ay sold out sa pangunahing tindahan ng Bic Camera sa Chiyoda Ward nang magbukas ito ng ika-pito ng umaga matapos ang isang countdown. Mahigit 1,100 game enthusiats ang pumila sa nasabing tindahan mula nang alas kuwatro ng umaga
http://www.us.playstation.com/PS3/defaul
http://www.jp.playstation.com/ps3/