| Balitang Tagalog sa Japan ( @ 2006-05-29 21:49:00 |
Pinay na Ikinulong ng Immigration sa Japan, Pinalaya Na!
Pinalaya na ng pamahalaang hapon ang isang piany na inakusahan ng paglabag sa Japanese Immigration Law matapos ang matagumpay na apelang ginawa ni Philippine Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo kay Japanese Justice Secretary Seiken Sugiura nang nagtungo ang una sa Japan kamakailan.
Ayon sa ulat ni philippine Ambassador to Tokyo Domingo Siazon, si Adelaida Bondoc Hashizume, isang Filipino national, na inakusahan ng paglabag sa Japanese Immigration Laws, ay pinalaya na mula sa Tokyo Immigration Detention Center at inisyuhan noong nakaraang Abril 5 ng Special Permit para manatili sa Japan.
Ayon pa kay Ambassador Siazon, ang pagkakapalaya kay Adelauda mula sa kulungan ang naging bunga ng matagumpay na pakikipagpulong ni Secretary Romulo kay Minister Sugiura, na nagbigay din nang pag-asa upang mapabilis ang pagpoproseso sa iba pang kasong pang-imigrasyon na sangkot ang ilang Pilipino.
Ang iba pang magkatulad na kaso ng dalawang Pinay ay itinawag-pansin din sa Japanese justice minister. Ang isa sa dalawa, si Cecilia de Lima Tajihara, na resulta ng imbestigasyon sa umano'y paglabag niya sa Japanese Immigration Laws. Ang isa pang Pinay, si Teresita Torres Murai, ay boluntaryong bumalik sa Pilipinas noonpang Abril 5.
Ayon kay Ambassador Siazon, ipinaliwanag ni Romulo na ang tatlong Pinay na inakusahan ng paglabag sa Japanese Immigration Laws ay kasal sa mga Japanese national at ang ilan sa kanila ay nagkaroon ng mga anak na Japanese citizens na.
Idinagdag pa umano ni Romulo na nai-file na nila o nakatakda na nilang i-file ang visa applications ng mga nabanggit na Pinay nang sila'y arestuhin dahil umano sa paglabag sa Japanese Immigretion Laws.
Ayon pa kay Ambassador Siazon, ipinagdiinan ni Secretary Romulo kay Minister Sugiura na maaaring hindi nasuring maigi ng Japanese Immigretion authorities ang kaso ng mga naturang Pinay na kasal naman sa mga Japanese nationals at mayroon ring mga anak na Japanese citizens na.
Sinabi rin ni Ambassador Siazon na tututukan ng embahada ang pag-monitor sa imbestigasyon sa kaso ni Tajihara, ganoon din ang iba pang magkakatulad na kaso sa immigration na sangkot ang mga Pinay sa Japan.
Umaasa rin si Ambassador Siazon, na tulad sa kaso ni Adelaida, magiging makatarungan ang pagpapatulad ng immigration rules.