Balitang Tagalog sa Japan ([info]bisoy) wrote,
@ 2006-04-27 07:01:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend!  Next Entry
PAGDADALAMHATI SA AMAGASAKI DI PA NAGHIHILOM

 Mahigit sa ikatlo ng mga taong nawalan ng kamag-anak sa isang malagim na pagkabangga ng isang tren sa Amagasaki, Hyogo Prefecture noong nakaraang taon ay nagsabing mayroon pa rin silang psychological wounds makaraan ang isang taon ayon sa isang survey.

 Sa pamamagitan ng pakikipanayam at pagsagot sa mga questionnaire mula Marso hanggang Abril, tumugon ang 46 ng kamag-anak ng 43 na namatay.  Lumalabas na sangkapat sa mga tumugon ay nagpatulong sa mga doktor o counselors, habang ang iba naman ay nagpasuri para sa post-traumatic stress disorder.

 Noong ika-25 ng Abril 2005, isang nagmamadaling tren sa JR Fukuchiyama Line ang nabalaho sa isang palikong riles na may bilis na 100kph bago ito bumangga sa isang condominium complex na pumatay ng 106 pasahero kasama na ang driver ng tren na magmamadali upang maka-abot sa takdang oras.

 Nasa kalahati sa mga tumugon ay umaasang ang lahat ng mga alaala ng insidente ay unti-unting nang maglalaho, samantalang ang 2/3 naman ay nananawagan sa West Japan Railways Co. na gumawa ng hakbang upang di malimutan ng publiko ang pangyayari.

 Lagpas naman sa kalahati ang nag-uudyok sa JR West na linawin ang kanilang responsibilidad sa aksidente.



Create an Account
Forgot your login?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…