Balitang Tagalog sa Japan ([info]bisoy) wrote,
@ 2006-03-22 05:39:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend!  Next Entry
4,400 PERSONAL NA DATOS, KUMALAT SA INTERNET

 Sa pinakamalaking pagkasiwalat ng datos ng pulisya, ilang files na mayroong personal na impormasyon ng 4,400 katao kabilang ang mga biktima ng krimen at mga suspek, ang naikalat sa internet.

 Ito ang sinabi ng Ehime prefectural police. Sinabi pa ng pulisya na ang virus-prone Winny software ang siya na namang salarin.

 Ang datos ay kinabibilangan ng mga pangalan at tirahan ng mga biktima, mga pinaghihinalaan at iba pang indibidwal.

 Idinagdag pa nila na hihingi sila ng paumanhin sa mga apektadong tao.

 Ayon sa ilang source ilan sa mga naisiwalat na datos ay mga sikretong larawan mula sa mga suspek na menor de edad gayon din ang mga testimonya ng mga testigo.

 Sinabi ng Ehime police na nitong katapusan ng linggo ay natukoy na nila ang karamihan sa mga naisiwalat na datos. Ilan sa mga impormasyon ay mula pa noong 1984.

 Ang files ay tila nakopya umano mula sa computer ng isang police inspector na nakabitan ng Winny file-sharing program.

 Tahimik ang mga opisyal sa usaping kung ang mga files ay naglalaman ng mga sensitibong impormasyon gaya ng mga pangalan ng impormante.



Create an Account
Forgot your login?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…