Balitang Tagalog sa Japan ([info]bisoy) wrote,
@ 2005-12-30 23:42:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend!  Next Entry
SPYWARE

PAGKALAT NG SPYWARE SA JAPAN, PINANGANGAMBAHAN

 Naaalarma ang mga awtoridad sa Japan sa pagkalat ng spyware, isang software na palihim na kumukuha ng kontrol sa isang computer at nagdadala sa mga mahahalagang impormasyong laman nito sa mga magnanakaw.
 Ang spyware ay nakatago sa mga software, music files, screen-savers at kahit sa ordinaryong e-mail.
 Isa itong malaking problema para sa mga institusyon ng pananalapi, ngunit kahit ang mga mayayamang kumpanyang gaya nito ay walang ideya kung paano makakagawa ng mahigpit na depensa laban dito.
 Ayon sa isang opisyal ng Computer Associates International, Inc., manggagawa ng mga anti-spyware at anti-virus software, itinatayang may 160,000 klaseng spyware ang kumakalat ngayon sa Estados Unidos at nagdudulot ng mga seryosong problema.
 Gayunpaman, may mga programa umano sa Estados Unidos na ginawa upang matukoy at matanggal ang mga spyware.
 Dapat rin umanong magsagawa ng mga hakbang ang Japan upang malabanan ang spyware bago pa ito makapagdulot ng malaking pinsala. 
 Ang spyware ay nakatago sa loob ng laptops o desktops at nakadisenyo para magtala ng keystrokes, passwords o pagmamanman sa browsing habits. 
 Ayon sa mga opisyal ng Tokyo Metropolitan Police Department, ang bilang ng mga kaso ng spyware crime ay patuloy na tumataas simula noong tag-araw. 
 Karamihan sa mga kaso ay may kinalaman sa paglilipat ng pera mula sa bank account gamit ang computer.
 Ang mga bangko at anti-spyware organizations ay nagsusumikap upang pagbutihin ang kanilang seguridad at turuan ang mga gumagamit ng computer ukol sa panganib na dulot ng spyware.



Create an Account
Forgot your login?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…