You are viewing bisoy

Fri, Oct. 3rd, 2008, 07:25 pm
AEON Lake Town


AEON Lake Town BINUKSAN ANG ISA SA PINAKAMALAKING MALL SA SAITAMA

Nagbukas ang Aeon Lake Town na may laki na 220,000 metro kuwadrado sa Koshigaya, Saitama Prefecture.  Ang mall ay may dalawang bahagi na pinangalanang Kaze at Mori.

Ang KAZE na ang ibig sabihin ay hangin ay may mga pana-namit na outlet tulad ng Vivre at ibang Aeon group shops habang sa MORI na nangangahulugang gubat ay matatagpuan ang Jusco supermarket at may 565 specialty stores.

May 85 bilyong yen ang pinuhunan ng Aeon kasama ang 4,000 metro kuwadrado na solar panels na siyang pinakamaraming nailagay sa isang commercial facility sa Japan.


越谷イオンレイクタウン ソフトオープン

Sat, Sep. 20th, 2008, 10:19 pm
113 years old na!


PINAKAMATANDANG LALAKI SA BUONG MUNDO IPINAGDIWANG ANG IKA-113 KAARAWAN SA MIYAZAKI

Ipinagdiwang ng pinakamatandang lalaki ang kanyang ika-113 kaarawan nitong Huwebes sa kanyang tahanan sa Miyakonojo, Miyazaki Prefecture. Si Tomoji Tanabe ay nakatanggap ng mga bulaklak mula sa alkalde ng Miyakonojo na si Makoto Nagamine, at nagpasalamat ang matanda sa lahat. Nang tanugnin siya kung gaano pa niya katagal nais mabuhay, tumugon si Tanabe na ayaw pa niyang mamatay.

Matapos kumain ng umagahan, binasa pa nito ang peryodiko. Si Tanabe, na nakatira kasama ang panglimang anak at asawa nito, ay umiinom ng gatas tuwing 3:00 ng hapon araw-araw at nirerekomenda na huwag iinom at maninigarilyo bilang mga sikreto sa mahabang buhay. Siya ay naitala bilang pinakamatandang nilalang sa buong mundo ng Guinness Book of Records noong Hunyo ng nakaraang taon.

Fri, Sep. 12th, 2008, 07:02 pm
UGNAYAN


JAPAN, CHINA ITINATAYO ANG MAS MATIBAY NA UGNAYAN SA PAMAMAGITAN NG SINING

Ang mga cultural exchange sa iba’t-ibang larangan ay kamakailan lang umusbong sa pagitan ng Japan at China at tinutulungan ang mga bansa na mapalalim ang kanilang ugnayan sa pamamagitan ng contemporary art.

Ang exhibition "Avant-Garde China," na gaganapin hanggang Oktubre 20 sa National Art Center, Tokyo, sa Roppongi, Minato Ward, Tokyo, ay nakadisenyo para sa pagbabalik-tanaw sa sining ng China.

Sa mahigit na 50 mahahalagang sining mula sa mga contemporary artists na naka-display, ipinapakita ng exhibition ang outline ng Chinese art sa post-Cultural Revolution era.

Noong una, ang contemporary Chinese art ay ipinapakita sa mga one-person exhibitions o kasabay ng ibang Asian art.

Ngayong natapos na ang Beijing Olympics, at sa pagbagal ng ekonomiya ng China, inaasahan na ang mga pagbabago na makakaepekto sa eksena ng sining doon.

Fri, Sep. 5th, 2008, 09:01 pm
MOBILE PHONES


PAGRECYCLE NG MGA MOBILE PHONES SINIMULAN NA

Inuudyok ng mga mga pangunahing electrical retailers ang mga mamimili na i-recycle ang kanilang mga mobile phones. Pinangunahan ng Bic Camera at Yodobashi Camera ang paglalagay ng phone collection box sa kanilang mga tindahan.

Inaanyayahan ang mga mamimili na i-recycle ang kanilang mga lumang cellphones kapag bibili ng bagong handset, at upang maiwasang makuha ang mga datos sa telepono, binubutasan ang memory chips ng mga ito.

Mahal umano ang pagpapadala at pag-recycle ng mga cellphone at karaniwang may kaakibat itong bayad ngunit ito ay hindi isang negosyo ayon sa tagapagsalita ng Bic Camera.

Bumaba na ang pagre-recycle ng mga mobile phones sa mga nakaraang taon ayon sa Telecommunications Carriers Association. Bumaba ito mula 13.6 million na pinakamataas noong fiscal 2000 at ngayo'y nasa 6.4 million na lang.

Marami umanong tao ang ayaw mahiwalay sa kanilang mga message at photos sa kanilang telepono at kadalasan tinatapon na lang nila ang mga ito sa basurahan.

Thu, Jul. 17th, 2008, 08:49 pm
ELECTRIC CARS

NISSAN-RENAULT PINALAKAS ANG ELECTRIC CARS
 
Ang Nissan-Renault auto alliance, na nag-charged up kamakailan upang itaguyod ang electric vehicles, ay bumuo ng isang partnership sa Portuguese government na kabilang ang mga planong pagbebenta ng electric vehicles sa Portugal sa 2011. 

Ang kasunduan ay pinag-aaralan ang mga paraan upang makalikha ng isang nationwide network ng charging stations at magtaas ng kamalayan tungkol sa mga electric vehicles. 

Ang hakbang ay ang pinakahuli mula sa agresibong pakikipag-alyansa ng Nissan sa mga siyudad at gobyerno para sa electric vehicles sa gitna ng pagtaas ng mga presyo ng petrolyo at pag-aalinlangan sa global warming. 

Wed, Jun. 11th, 2008, 05:27 pm
PARANG BAYANI

MIURA SINALUBONG NA PARANG BAYANI MATAPOS AKYATIN ANG MT EVEREST SA EDAD NA 75

Dumating na sa Narita Airport nitong Biyernes ang Japanese skier na si Yuichiro Miura na nagtagumpay sa pag-akyat sa tuktok ng Mount Everest sa ikalawang pagkakataon sa kanyang edad na 75 anos. Si Miura, na nakumpleto ang hamon noong Mayo 26 sa edad na 75 taon at 7 buwan, ay sinalubong ng may 40 katao kabilang na ang mga estudyanete ng Clark Memorial International High School sa Chiba, kung saan siya ang principal.

Ani Miura, matagal daw ang kanyang paglalakbay at nakakapagod.

Matagal nang inaasam ni Miura na maging pinakamatandang taong makakaakyat sa tuktok ng naturang bundok na may taas na 8,848 metro, ngunit ang isang 76 taong gulang na Nepalese ang naunang nakaakyat sa tuktok isang araw bago niya ito maabot. Nabigyan naman ng pansin si Miura dahil ito ay ikalawang beses na niyang makaakyat sa Mt. Everest mula nang siya ay naging edad 70.


Tue, Jun. 3rd, 2008, 08:39 pm
MATAAS NA PRESYO NG GASOLINA

TUNA FISHING BOATS MAAARING MAPATIGIL DAHIL SA MATAAS NA PRESYO NG GASOLINA

Maaaring mapatigil sa mga daungan ang may 30 porsyento ng mga tuna fishing boats sa buong mundosanhi ng sobrang pagtaas sa presyo ng gasolina. Ito ang inilabas ng isang survey noong Miyerkules.

Habang pinag-iisipan pa ng mga Japanese tuna fishing boat operators ang isang suspensyon, nasa 140fishing boats na sa ibang bansa, kabilang ang 60 bangka sa Taiwan, 40 sa China at 20 sa South Korea,ang natigil na sa mga daungan upang makaiwas sa lalo pang pagkalugi sanhi ng mahal na presyo ngkrudo.

Maliban sa 140 bangka, nasa 260 bangka din kabilang ang mahigit 70 bangka ng Japan angnag-babalak na ring tumigil. 

Sat, May. 3rd, 2008, 11:11 pm
ID SA PAGBILI NG SIGARILYO

Ang mga menor de edad ay hindi na makabibili ng sigarilyo mula sa mga vending machines dahil sa taspo IC cards.

Inilunsad na ng Tobacco Institute ng Japan ang sistema sa pagbeberipika ng edad sa Miyazaki at Kagoshima Prefecture nitong Marso, nauna sa pagpapatupad sa buong bansa nitong Hulyo.

Ang mga naninigarilyo ay kailangang gumamit ng kard kapag bibili sa mga machines, maliban na lang kung mayroong scanner ng kanilang driver's license.

Thu, Jan. 24th, 2008, 10:20 pm
Bawal na?

95% NG MGA TAXI SA TOKYO NAGING SMOKE-FREE NA

 Nasa 95% ng mga taxi sa Tokyo, o 52,000 ng 55,000 taxi, ay ipinag-babawal na ang paninigarilyo.

 Ang organisasyon para sa corporate taxi na sumasaklaw sa 400 kumpanya na may 34,000 sasakyan sa Tokyo ang nagdesisyon noong nakaraang Agosto na maging smoke-free mula Enero 7 ng taong ito.

 Ang natitirang 5% ng mga taxi ay hindi inoobligang sumunod sa polisiya dahil nabibilang sila sa mga kumpanyang hindi kasapi ng asosasyon ng mga taxi firms na nagde-sisyong maging smoke-free.

 Plano ng Tokyo private taxi association na magpadala ng mga sulat sa lahat ng pribadong taxi drivers upang himukin silang makipagtu-lungan.

 Nagpadala din sila ng mga no smoking signs sa pakikipag-tulungan ng corporate taxi group pati na rin ang paglalagay ng smoke-free stickers sa loob ng mga taxi cab.

Wed, Jan. 31st, 2007, 08:15 pm
F-35

F35 MAAARI NANG I-DEPLOY SA KADENA AIR BASE

F-35 Lightning II

Download Full Image

Ayon sa US military sources maaari nilang ipadala ang kanilang next-generation jet fighter sa US Kadena Air Base sa Okinawa Japan. Kasalukuyang ginagawa ng Amerika kasama ang Britain ang F-35 fighter jets.

Ang mga jets ay gagamitin ng US Navy at Marines upang atakehin ang land targets at vessels.

Malaki rin ang posibilidad na ang F-35 jets ay ipapadala rin sa Iwakuni Air Station ng Marines sa Yamaguchi Prefecture, kanlurang Japan.

External links

10 most recent